hmmm...araw araw...lalo ko lang nakikita at nararamdaman kung gaano ka kahalaga.
sana...sana nga...bawal magpaalam. :) buti nalang andiyan ka. alam ko naiintindihan mo din 'to. pareho naman tayo diba? :) ang dami mo na masyadong nagawa..dinagdagan mo yung dati nang masaya..yung dati nang kontento kong buhay. tunay na kaibigan? oo. oo naman. :) kaya ako laging nagpapasalamat. 'yun nga lang...dinagdagan mo din yung marami kong tanong kung pano ako kakapit. kung pwede pa nga bang kumapit. hindi masama yun,,binigyan mo lang ng dagdag liwanag ang lahat. hindi ko alam kung paano pag lumayo ka...o umalis ka..ikaw kasi..sinanay mo na ko. hindi kita masisi..kahit ako nalalabuan pa kung paano ako. napapansin mo ba...lagi kong tinatanong sayo kung hindi ka nga ba talaga aalis?... sana nga hindi. dahil yang mga yakap na yan...yang mga ngiting yan...yang mga yan ang nagbibigay ng dahilan sa pagtagal ng pagasa sakin. tama nga ba? sana. hindi ko alam kung anong dating nito...pero...sana maintindihan mo..sa ngayon..hindi na kita bibitawan..hindi na. sabihin mo nalang sakin kung mali na 'to.. pero ang laki mong rason sa pagtagal ng mga ngiti ko..ng mga tawa ko. ibang klase kang kaibigan..kapatid..ako ang swerte. salamat sa lahat. sana nga hindi ka magsawa..sana hindi tayo magbago..sana...sana..dito ka nalang...dito lang..kasama ko..hanggang sa tamang panahon...