~from Company Call to Curtain Call~

Blog EntrySAM--salamat,'di kita malilimutan. ;)Jan 22, '08 4:55 AM
for everyone

“Hello, anong pangalan mo?”

“Lisandro A. Madrid po. SAM nalang po ate. Kayo po?”

Charlotte. Tawagin mo nalang akong Ate Tart.”

J

 

January 5, 2008. Akala ko nakakatamad ang LTS. Ang aga papasok, Saturday na nga lang, wala ng pahinga. Pero nang makilala ko si Sam, nag-iba lahat. Napakatahimik ng batang ito. Hindi mo madaling malalaman ang nararamdaman niya, hindi siya magsasalita kung ‘di mo kakausapin,hindi din ngumingiti pero umpisa pa lang, naramdaman ko nang kakaiba siya sa mga bata doon na ka-edad din niya. Ako lagi ang naguumpisa ng usapan, natural lang ‘yon. Kailangan marami siyang matutunan sa’kin, alam ko kung gaano kahalaga ang edukasyon sa kanila, lalo na dahil sa kalagayan ng buhay nila. Natapos ang session na ako ang napalapit sa kanya, hindi ko masyado sigurado kung ganoon din siya. Kailangan na umalis, may pupuntahan din ako pag balik ng manila, kaya hindi ko masyado napagtuunan ng pansin na tinatanaw niya pala ako sa malayo.

 

January 12, 2008. Nagulat ako pag gising ko, namimiss ko na yata si Sam. Hmmm,,,may natututunan kaya siya sakin? Ewan ko, basta, alam ko, mahirap mapalapit ng loob. Malambot kasi ang puso ko sa mga bata, madali din ako ma-attach, kaya napakahirap sakin pag dumadating ang mga panahon na kailangan magpaalam. Pag dating nami sa Gugo Elementary school ng Bataan, natuwa ako dahil sinalubong ako ni Sam na nakangiti. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti. At, hindi tulad ng dati, nauna siyang kamustahin ako. Ang saya ko dahil parang bigla nalang, close na ba kami kaagad?! Paano ‘to? Bahala na. Kailangan i-share ang buhay. Ang sarap ng pakiramdam. Nagkuhaan ng pictures at natuwa siya, kaya…

“O, pano Sam, next Saturday ulit ha,,aalis na kami.”

“Ate Tart….”

“O?”

“Pwede po bang…”

“Ano ‘yon Sam? Sabihin mo na.”

“Gusto ko po kasi sana ng litrato nating dalawa..”

--Sa sobrang natouch ako,, hindi ko alam ang sasabihin, kundi..

“Ah…oo naman…ok…sure sam.. J

“Sige po, magingat po kayo ha”

--Nararamdaman kong malapit na ang loob namin, gusto ko na siyang yakapin pero parang ako lang ang nag-iisang emotional na tao sa classroom, naisip kong baka pagtawanan siya ng mga kaklase niya kaya hinawakan ko nalang yung kamay niya at ngumiti nalang ako. Pero sa loob ko, unti unti ko nang nararamdaman na magiging mahirap ‘to dahil last session na sa susunod na sabado. Nagpaalam ako at tinatanaw parin niya ko sa bus. Umupo ako na naguguluhan. Naku, Paano ba ‘to,sabi na nga ba.

 

January19, 2008. Last day na ng LTS namin. Siyempre, dala ko ang picture na na-promise ko kay Sam. Pinag-usapan namin ni Sam na bibilisan namin lahat ng dapat gawin para bonding nalang para sa natitirang oras. Yun nga ang nangyari. Pinigilan ko ang iyak ko nung kumakanta na sila ng thank you at good bye song nila. At,napigil ko nga. ‘Yon ang pinaka-mahirap sa lahat, ang magpigil ng iyak.

“Sam, kailangan na naming umalis. Magaral ka mabuti ha, magingat ka din lagi.”

“Opo, salamat po ulit ate tart sa pagturo pati po sa picture”

“Sure. Naku, hindi kita makakalimutan. J

“Lalo na po ako… Sige po,, ba-bye ate tart.”

“Sige…<tatalikod na dapat ako pero…> Ah, Sam, pwede bang payakap?...”

Ewan ko kung ako lang ang ganito, pero sa tuwing may yayakapin ako, nararamdaman ko kung totoo o hindi. Alam kong alam niyo ang ibig ko sabihin, pero iba si Sam. Yumakap siya balik, at ngumiti. Ang yakap na iyon,,,hindi ko din makakalimutan..

Malayo na ang bus at biglang may nag text..

*Ate Tart, nami mis ko po kayo sana po kayo ay magingat maraming salamat po sa inyong pagturo. Ako po si sam.

 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero hindi ko na napigilan. Naiyak nalang ako sa bus…pinagtawanan nga lang ako ni Julie at cookai. Hay.. nakakatouch diba?

Nagulat ako dahil noong January 21, nagtext ulit siya.

*Ate Tart, namimis ko na po kayo mahal ko po kayo. Ako po si sam.

Mas nakakaiyak ang text na to, yun nga lang, hindi pwede umiyak dahil nasa jeep ako.

At noon ding gabing iyon, isa pang text ang natanggap ko.

*Ate tart, mis na mis ko na po kayo sana po ay magkita po ulit tayo ate tart. Ako po si sam.

 

Oo, nakakatawa na sa bawat dulo ng text niya, merong “ako po si sam” pero siguro, tulad ko, ayaw din niyang makalimutan ko siya.

Sana dumating ang panahon mabasa din ni sam ‘to para malaman din niya na tulad niya, mahalaga din siya sa akin.

Sana nga magkita kami ulit. Laging sinasabi nila Julie at Cookai na balang araw, hahanapin ako ni sam…sana nga…para….basta…ewan. ang hirap ipaliwanag noh..eto nanaman ako, sandaling panahon, pero ang laki ng epekto sakin. Napatunayan ko lang, marunong ako magmahal,,,mag-share ng buhay ko. Ang babaw? Bahala kayo,,pero ako,, nagiging totoo lang. J

SAM—salamat…mas marami akong natutunan sayo, kaysa sa natutunan mo sakin siguro. Oo naman, nag-promise ako e. hindi din kita malilimutan. J

 

 


3 Comments
babynette wrote on Jan 22
aaaaaaaaawwww that cute student of yours hehehe ...i miss him too hehheeh pti student ko
iamkristianne wrote on Jan 22
awww =')
nakakatuwa naman si sam :)
babynette wrote on Jan 22
uu ..kea lang mataray sa iba hehehe
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help